Hi Kabayan,
May mga gusto kong itanong sayo…
May Sistema ka ba ngayon sa ginagawa mong Negosyo?
May Sistema bang sinusunod ang mga downlines mo?
Gaano ba talaga kaimportante ang SISTEMA sa ating MLM business?
Hindi ba pwedeng “Hataw-Hataw” na lang?
Hindi ba pwedeng sino sino na lang ang imbitahin
hanggang maka tsamba nang magiging interesado?
Maraming mga Networker ang na-Burned Out na
lang dahil wala kasi silang “epektibong” sistemang sinunod.
Bago ang lahat, unawain muna natin kung
ano bang ibig sabihin ng Sistema.
Ang Sistema para sa business mo ay ang
Step-By-Step specific Information at instructions
na gagawin ng mga downlines mo.
For Example:
Step 1. Learn this…
Step 2. Do this…
Step 3. Advertise in this…
etc… etc…
Ang Step By Step information at instructions na’to
ay kailangan na maliwanag at naiintindihan ng
bawat member ng downline mo para lubos na
maintindihan ng mga downlines mo ang concept
ng System nyo.
Kapag naiintindihan ng mga downlines mo ang
Sistema nyo, mai -internalize na nila ang system
nyo at magiging madali nalang para sa kanila na
maituro eto sa mga magiging downlines nila.
Eto ang tinatawag na DUPLICATION.
A System should explain…
What action to take
What Tools to use at each step and finally
What’s the Reason Why do they need to do each Step.
Importante ang SYSTEM for 2 Main Reasons:
Una, Magagawa mo na makapag build ng
malaking downline organization ng mas MABILIS
dahil may sistema ka na sinusunod. Hindi ka na
magaaksaya ng panahon para lang mag isip
“ano na bang sunod mong gagawin” at hindi ka
nadin mag-aaksaya ng Oras mo sa mga strategy
na hindi naman effective.
Pangalawa, Kapag may Sistema ka, makakasiguro
ka na lahat ng Downlines mo ay maduduplicate
ang success mo kung susundin nila ang effective
na system ng team mo.
Hindi lang sa MLM importante ang System, kahit
sa ibang mga Businesses ay may Sistema din
silang ginagawa at sinusunod.
For Example, sa mga Fastfood tulad ng Jollibee.
Hindi tatakbo ang Jollibee kung wala silang
sistema. Part ng sistema nila na pag may pumasok
ng pinto ay batiin ng crew ang guest ng “Good
Morning Mam/Sir, Welcome to Jollibee.”
Part ng sistem nila na kapag ikaw ang na-toka
sa kitchen para mag luluto ng french fries ay eto
ang sistemang gagawin mo…
Step 1. Kunin ang raw fries sa ref.
Step 2. Ibuhos ang fries sa kumukulong mantika
Step 3. Pindutin ang timer button
Step 4. Hanguin ang lutong fries kapag tumunog ang buzzer
Part yun ng kanilang system. Napaka specific ‘di ba?
Same din sa team mo. Kailangan meron ka ding
Step 1, Step 2, Step 3, and so on and so forth.
Hindi pwedeng ang sasabihin mo lang sa mga
magiging downlines mo ay… “Attend ka lang ng
Trainings tapos Hakot, Invite, Hataw, Power,
Payaman Tayo dito”
Hindi yun sistema. Eto ang kaylangan mong tandaan…
karamihan sa mga magiging downlines mo ay wala
pang experience sa pag papatakbo nang kahit na
anong klaseng negosyo. Kailangan nila nang isang
Leader na mag gu-guide at aakay sa kanila.
They need “specific” and “step by step” instruction.
At please wag kang ma confused with a Company’s
compensation plan and a Team Marketing and
Prospecting System.
A Company’s Complan is Not your system.
It’s the Company system on how it will Pay it’s Distributors.
Your System should be THE WAY on HOW to get paid,
a Game Plan for your Team to generate prospects,
recruit new downlines, train new members, and earn commisions!
Sana ay nag enjoy ka sa Training natin today.
Have a Great Day, More Power and
God Bless You and Your Family.