Pages

Kung Gusto Mong Maging Successful Na Networker, Sila Ang Tatlong (3) Dapat Mong Kaibiganin

Sino sila?

Kaibigan, naalala mo pa ba nung excited na excited ka sa bago mong network marketing business? “Say YES To Success!” Wooooohoooooo!
Binalita mo kagad sa lahat ng mga kaibigan at kamag anak mo ang magandang
opportunity na nakita mo. Ang intensyon mo ay makatulungan lang sa kanila.


Dalawa ang pwedeng mangyari:
Dahil kilala ka na nila, maniwala kagad sila sayo at
sasali kaagad sil sa bagong opportunity mo.
Maganda kung ganito ang nangyari.
Eto talaga ang pinaka mabilis na paraan
para kumita sa MLM (Tapping your Circle of Influence)
Pero minsan, sa di inaasahan na pangyayari,
may mga kaibigan at kakilala ka na di ka seseryosohin,
di ka paniniwalain, pagtatawanan ka pa ng iba, etc.
I know masakit maranasan ang ganito.
At ang tawag dyan ay REJECTION!


F1: REJECTIONS – Isa ang rejections sa pinaka matinding pagsubok na kakaharapin mo as networker at entrepreneur. You see, successful entrepreneurs ay ibang klaseng nilalang. Dapat matigas ang puso mo. Di ka dapat magpapa apekto sa mga rejections. “Pero tao lang ako na marunong masaktan” Oh hu hu hu hu! Partner, wala din networker na pinanganak na may matibay na sikmura at dib dib. Natutunan lang nilang maging matatag. Tsaka isipin mo na lang, di naman talaga ikaw ang ni-reject nila kundi ang opportunity na inoofer mo sa kanila. Kaya di mo talaga kaylangang magpa-apekto.

Your Prospect: “Eh bat ganito? Eh bat ganyan? Pano yung ganito? Pano yung ganyan? SCAM yata yan eh? Kumita ka na ba dyan?”…
Nadinig mo na ba ‘tong mga questions na ‘to partner? (Kung hindi pa, ibig sabihin ‘di mo ginagawa ang negosyo mo.  ) Sobrang normal sa profession natin ang mga OBJECTIONS.


Friend 2: OBJECTIONS – Wag kang magugulat kung pagkatapos mong ipakita ang iyong opportunity ay di kaagad agad silang dudukot ng kanilang wallet para mag labas ng pera para ipang invest sa business mo. Lahat ng prospects (lalo na yung mga interesado ay may mga objections o questions). Isang skill na kaylangan nating lahat matutunan ay kung paano sasagutin ng tama ang ating mga objections.
Ayos na ayos meron ka ng 5 downline, mukang power na power at mataas ang mga pangarap nila gaya ng sabi nila sa’yo. After 3 months, napansin mo bihira na silang mag log in. DI ka nadin nirereplyan nung apat pag kakamustahin mo sila tungkol sa kanilang business. Parang na Low Bat na yata sila partners.

Friend 3: Low RETENTION – Guess what? Kaylangan ngayon pa lang iexpect na mangyayari ito, kaylangan mong iexpect na hindi lahat kasinglaki ng mga pangarap mo. Kaylangan mong iexpect na hindi lahat magiging kagaya mo.
Paano magiging kakampi ang tatlong to? Simple lang, kaibiganin mo sila! Anong ibig sabihin nun?
Treat rejections as a normal part of your business.
Treat objections as a daily part of your business.
Treat low retention as a very common part of networking business.
Wag kang malungkot kung ikaw ay marereject, bakit? Di ba part nga kase yun ng negosyo?
Wag kang maaasar kapag yung prospect mo ay magre-raise ng objections, bakit? Di ba part lang din ito ng business natin?
At wag na wag kang mag alala kung may mga downlines ka na huminto at sumuko at bumitaw sa kanilang mga pangarap.
Gusto mong malaman kung paano siguradong mag failed sa kahit anong business? Yun ay maging emotionaly attach ka sa business mo and i guarantee you , konting rejection, objection at retention lang ay tumba ka na.

This post is very straight to the point my friend. Yung ibang upline/sponsor hindi eto sasabihin sa ‘yo. Why I want you to know all of this? … It’s because I want to prepare YOU! Gusto kitang maging handa sa lahat ng mga pag dadaanan mo. Sa negosyo natin kung talagang may desire ka na maging successful at maabot ang mga pangarap mo, KAYLANGAN MONG MAGING SI BATMAN at si SUPERMAN. BATot MANhid at SUPERMANhid. I know it’s funny or corny pero totoo itong mga sinasabi ko sa’yo.

“Life’s Battles Don’t Always Go To The Stronger or Faster Man, But Soon Or Late The Man Who Wins Is The Man Who Thinks He Can!”… Napoleon Hill

I hope may nai-share ako sa’yong makakatulong sa pag build ng business mo.




Post a Comment